Ipinahayag kahapon ni Liu Xiaoming, Embahador Tsino sa Britanya na dadalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa bansa, mula ika-19 hanggang ika-23 ng buwang ito. Aniya, sa nasabing pagdalaw, bibigkas ng talumpati ang Pangulong Tsino sa Parliamento ng Britanya.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Richard Graham, Chairman ng All Party Parliamentary China Group ng Britanya, ang pagtanggap sa gagawing pagdalaw at nakatakdang talumpati ni Xi. Ito aniya'y makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga miyembro ng Parliamentong Britaniko sa patakarang panloob at panlabas ng Tsina at sa administratibong ideya ng Pangulong Tsino.