Sa paanyaya ni Queen Elizabeth II ng Britanya, lumisan ng Beijing ngayong hapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa Britanya.
Kasama sa enturahe ni Xi sa nasabing biyahe ay sina Peng Liyuan, Unang Ginang ng Tsina, Wang Huning, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Puno ng Policy Research Centre of the CPC Central Committee; Li Zhanshu, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC at Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC; at iba pa.
Salin: Li Feng