|
||||||||
|
||
Muling ipinahayag ng Tsina ang matinding pagtutol sa pag-aalay ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang mga Class-A Criminal noong World War II.
Inalay ni Abe ang "masakaki" tree sa nasabing dambana nitong nagdaang Sabado sa panahon ng taunang apat-na-araw na Pestibal na Pantaglagas ng bansa. Samantala, nagbigay-galang din sa nasabing shrine sina Justice Minister Mitsuhide Iwaki, at Internal Affairs at Communications Minister Sanae Takaichi.
Ipinagdiinan ni Hua na dahil ang nasabing mga kriminal na Hapones ay may direktang pananagutan sa pananalakay ng Hapon sa mga kapitbansang Asyano noong WWII, palagiang tinututulan ng Tsina ang pagbibigay-galang ng mga opisyal na Hapones sa Yasukuni Shrine.
Muling hiniling din ni Hua sa administrasyon ni Abe na totoo't malalimang pagsisihan ang kasaysayang mapanalakay ng Hapon.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |