|
||||||||
|
||
DUMATING kaninang umaga sa St. Luke's Medical Center sa Quezon City si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa pagsusuri ng kanyang mga manggagamot. Mananatili siya sa pagamutan hanggang bukas.
Mula sa kanyang sasakyan, nakita si Gng. Arroyo na tinutulungang maka-upo sa isang wheelchair. Sinamahan siya ng kanyang mister, ang dating First Gentleman Jose Miguel Tuazon Arroyo. Naka pangkaraniwang damit at tsinelas lamang ang dating pangulo.
Kahit pa pumayag ang Sandiganbayan sa dalawang araw na pagsusuri, hindi masabi ng kanyang abogadong si Larry Gadon kung anong mga pagsubok ang gagawin sa dating pangulo.
Sa kanyang petisyon sa hukuman, sinabi ng dating pangulo na pinayuhan siya nng kanyang mga manggagamot na sumailalim sa nerve conduction velocity testing matapos mamanhid ang kanyang kaliwang braso at kahinaan ng kanyang paghawak.
Naniniwala ang kanyang mga manggagamot na may koneksyon ito sa kanyang cervical spine problems.
Na sa illaim siya ng hospital detention sa Veterans Memorial Medical Center sa kasong plunder sanhi ng diumano'y maling paggasta ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office noong kapanahunan niya bilang pangulo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |