|
||||||||
|
||
"Sa harap ng di-matatag at pabagu-bagong kalagayan ng kabuhayang pandaigdig, kinakailangan ang mas matatag na kompiyansa at pagtutulungan para sa hinaharap." Ito ang ipinahayag kahapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa UK-China Business Summit, na idinaos sa City of London Corporation. Dumalo sa pagtitipon si Pangulong Xi, kasama ni Punong Ministrong David Comeron ng Britanya.
Kabuhayang Tsino:
Ipinahayag ng Pangulong Tsino, na bilang pinakamalaking umuusbong na ekonomiya ng mundo, pumasok na ang Tsina sa yugto ng "Economic New Normal." Sinabi ni Xi na kinakaharap ng Tsina ang presyur, dulot ng pagbaba ng bahagdan ng paglaki ng kabuhayan, at salungatan hinggil sa estrukturang pangkabuhayan. Ito aniya'y normal na kalagayang posibleng maganap, pagkaraan ng mabilis na pag-unlad ng pambansang kabuhayan. Dagdag pa niya, kasabay ng buong lakas na pagpapasulong sa malusog na pag-unlad ng pambansang kabuhayan, ipagpapatuloy ng Tsina ang pagbubukas sa labas, batay sa estratehiya ng pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan, para maisakatuparan ang magkakasamang pag-unlad ng Tsina at daigdig.
Belt and Road Initiative:
Binigyang-diin ni Pangulong Xi na ang magkakasamang pagtatatag ng "Belt and Road Initiative" ay kailangang kaisipan sa bagong dekada, na magbibigay ng walang katulad na pagkakataong pangkaunlaran hindi lamang sa Tsina, kundi rin sa mga bansa sa kahabaan nito. Aniya, bilang isang bukas na estratehiya, sasaklaw ito sa Asya, Aprika at Europa, at makakapasok ang lahat sa "mapagkaibigang grupong ito." Bilang bahagi ng dibersipikasyon, bubuo ito ng ibat-ibang larangan at paraang pangkooperasyon, habang nagbibigay ng win-win initiative para maisakatuparan ang panlahat na kaunlaran at kasaganaan, alinsunod sa prinsipyo ng magkasamang pagsasanggunian, pagsapi sa konstruksyon at pagtatamasa ng bunga, dagdag ng Pangulong Tsino.
Pagtutulungang Sino-Britaniko:
Tinukoy din ng Pangulong Tsino, na nagkokomplemento ang Tsina at Britanya sa estruktura ng industriya. Nagkakatulad aniya ang dalawang panig sa ideya ng pagpapalawak sa pamilihan, at nagkakapareho din sa mithiin ng pagpapalawak ng malayang kalakalan at pamumuhunan. Kaya, malaki aniya ang potensyal ng dalawang panig sa pagpapalawak ng pagtutulungan, batay sa Belt and Road Initiative.
Ipinahayag naman ni David Comeron, na magsisikap ang Britanya para pasulungin ang estratehikong partnership sa Tsina. Hinihintay aniya ng Britanya ang pamumuhunan mula sa Tsina at ang mahigpit na pagtutulungang industriyal at komersyal ng dalawang panig.
Nauna rito, dinaluhan din ng dalawang lider ang seremonya ng paglagda sa mga kasunduan hinggil sa pagtutulungan ng dalawang bansa sa enerhiya, pinansya, at iba pa.
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |