|
||||||||
|
||
Sa London — Ipinalabas kahapon ng Tsina at Britanya ang "Magkasanib na Deklarasyon ng Dalawang Bansa hinggil sa Pagtatatag ng Komprehensibo at Estratehikong Partnership sa Ika-21 Siglo."
Nagkakaisang ipinalalagay ng dalawang panig na ang biyahe ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Britanya ay isang historikal na pagkakataon para sa relasyong Sino-Britaniko. Magkasama anilang magsisikap ang Tsina at Britanya para maitatag ang komprehensibo at estratehikong partnership sa Ika-21 Siglo.
Tinukoy ng deklarasyon na ibayo pang pahihigpitin ng dalawang panig ang pagdadalawan sa mataas na antas, at pananatilihin at palalakasin ang mga mekanismong kinabibilangan ng taunang pagtatagpo ng mga punong ministro, diyalogong ekonomiko at pinansyal, pagpapalitang pangkultura, at iba pa.
Tungkol sa kooperasyon sa pandaigdigang kakayahan ng produksyon, nakahanda ang dalawang panig na ibayo pang palakasin ang mga gawain sa aspektong ito.
Naniniwala rin ang dalawang panig na sa pamamagitan ng prinsipyong mutuwal na kapakinabangan at win-win na situwasyon, natamo ng kooperasyong pinansyal ng dalawang bansa ang mahalagang bunga. Nakahanda rin ang dalawang panig na palalimin ang pangmalayuang partnership sa larangang pinansyal.
Tungkol naman sa pagdadalawan ng mga kabataan, ibayo pang pasisimplehin ng dalawang bansa ang prosedyur para sa mga mag-aaral at turista sa kanilang bansa.
Buko dito, sinang-ayunan ng dalawang bansa na itatag ang mekanismo ng diyalogong panseguridad sa mataas na antas. Palalakasin nila ang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga larangang gaya ng pagbibigay-dagok sa organisadong krimen, pagbibigay-dagok sa cyber crime at ilegal na immigrants.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |