Sa London — Sa ipinalabas kahapon ng Tsina at Britanya na "Magkasanib na Deklarasyon hinggil sa Pagtatatag ng Komprehensibo at Estratehikong Partnership sa Ika-21 Siglo," tinukoy dito na umaasa ang dalawang panig sa pagsasaoperasyon ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) sa lalong madaling panahon, at sasapi sa pandaigdigang sistemang pinansyal para matulungan ang mga bansang Asyano sa larangan ng konstruksyon ng imprastruktura.
Ayon sa deklarasyon, kinakatigan ng dalawang panig ang pagkakaroon ng isang komprehensibong kasunduan ng pamumuhunan ng Tsina at Europa sa lalong madaling panahon. Nanawagan din ang dalawang panig na isagawa sa lalong madaling panahon, ang magkasanib na pag-aaral hinggil sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Europa para maisakatuparan ang pangmalayuang target na itinakda sa magkakasanib na pahayag ng ika-17 pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Europa.
Ipinahayag din ng deklarasyon na kinakatigan ng Tsina at Britanya ang pagpapatingkad sa papel ng G20 bilang pangunahing porum ng pandaigdigang kooperasyong pangkabuhayan. Pasusulungin ng Tsina at Britanya ang pagpapatingkad sa papel ng G20 para sa pagpapasulong ng kabuhayang pandaigdig. Aktibong kinakatigan ng Britanya ang pagtataguyod ng Tsina ng G20 Summit sa taong 2016. Bukod dito, palalakasin ng dalawang panig ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng pinansya, buwis, kalakalan, pamumuhunan, pag-unlad, at paglaban sa korupsyon.
Salin: Li Feng