Inilabas kamakailan ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina ang Plano ng Aksyon hinggil sa mga Pamantayan ng Pagpapasulong ng Belt and Road Initiative para sa taong 2015 hanggang 2017.
Ang nasabing dokumento ay naglalayong istandardisahin ang pagtutulungan, pamumuhunan at pagkakalakalan ng mga bansa sa kahabaan ng Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road (Belt and Road Initiative).
Batay sa dokumento, makikipag-usap din ang Tsina sa mga may-kinalamang bansa para magkakasamang balangkasin ang mga pamantayan.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio