Ang Bank of China Ltd London Branch ang naging unang Chinese Protected Payments System (PPS) Bank of LCH.Clearnet Ltd.
Ayon sa Bank of China, dahil sa nasabing pangyayari, makakapagkaloob ito ng PPS services sa Britanya at Estados Unidos, at post-trade settlement services sa lahat ng mga clearing members ng LCH. Clearnet sa 18 salapi.
Ang LCH.Clearnet ay isang pandaigdig na multi-asset clearing house. Ang London Stock Exchange Group ang may-ari sa karamihan ng stake nito at ang natitirang shares nito ay inaari ng mga clearing member nito at ibang mga exchanges.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio