Ipinahayag kahapon ni Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, na ang pagdaraos ng mga halalang pampanguluhan at pamparliamento ay dapat maging bahagi ng prosesong pulitikal para sa paglutas ng isyu ng Syria.
Ayon sa pagsisiwalat ni Lavrov, sa pagtatagpo kamakailan ng mga pangulo ng Rusya at Syria, ipinahayag ng panig Syriano na bukod sa mga operasyong militar laban sa terorismo, dapat isagawa rin sa bansa ang prosesong pulitikal.
Kaugnay nito, ipinalalagay ni Lavrov, na kasunod ng pagiging matatag ng kalagayan sa Syria, dahil sa mga matagumpay na operasyong militar laban sa terorismo, bumubuti ang kondisyon para sa prosesong pulitikal. Aniya pa, sa kasalukuyan, puwede nang gawin ang paghahanda para sa mga halalang pampanguluhan at pamparliamento sa Syria.
Salin: Liu Kai