Kinumpirma kahapon ni Pangalawang Ministrong Panlabas Mikhail Bogdanov ng Rusya ang pagdalaw ng kinatawan mula sa Free Syrian Army.
Bilang isa sa mga pangunahing sandatahang lakas na kontra sa pamahalaan ng Syria, binibigyan ng tulong ang Free Syrian Army ng mga bansang kinabibilangan ng Britanya at Kuwait.
Ayon sa ulat, ipinahayag minsan ng Free Syrian Army ang mithiing magpalitan ng kuru-kuro, kasama ng Rusya, hinggil sa kalagayan ng Syria. Samantala, positibo rin ang Rusya sa pagdalaw ng kabilang panig.