Ipinahayag kamakalawa ng White House na sa susunod na buwan, bibiyahe si Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos sa Turkey, Pilipinas, at Malaysia. Dadalo rin siya sa G20 Summit na gaganapin sa Turkey, Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na gaganapin sa Pilipinas, at Summit ng Silangang Asya at Pulong ng mga Lider ng Amerika at ASEAN na gaganapin sa Malaysia.
Ipinahayag ni Josh Earnest, Tagapagsalita ng White House, na sa naturang mga pulong, pasusulungin ng Pangulong Amerikano ang magkakasamang pagsisikap ng iba't-ibang bansa para maigarantiya ang malakas, sustenable, at balanseng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Dagdag pa niya, sa kanyang biyahe sa Pilipinas at Malaysia, bibigyang-diin ni Obama ang pagkatig ng Amerika sa patakaran ng ASEAN sa pagpapalakas ng seguridad at kasaganaan nito.
Salin: Li Feng