Nakipagtagpo kahapon si Xu Bu, Embahador ng Tsina sa ASEAN, kay Vongthep Arthakaivalvatee, bagong halal na Pangkalahatang Kalihim na namamahala sa suliranin ng kulturang panlipunan ng ASEAN. Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungol sa mga isyung gaya ng pagpapalakas ng kooperasyong Sino-ASEAN sa larangan ng kulturang panlipunan.
Ipinahayag ni Xu na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN. Umaasa aniya ang grupong diplomatiko ng Tsina sa ASEAN na mapapalalim ang pakikipagkooperasyon sa Sekretaryat ng ASEAN para magkasamang mapasulong ang kanilang pagpapalitan sa nasabing larangan.
Ipinahayag naman ni Vongthep Arthakaivalvatee ang kahandaan ng Sekretaryat ng ASEAN na magsikap kasama ng grupong diplomatiko ng Tsina sa ASEAN para mapasulong ang kooperasyong ito ng dalawang panig.
Salin: Li Feng