Sa okasyon ng ika-13 anibersaryo ng pagkakatatag ng ministeryal na kooperasyon ng Tsina at ASEAN hinggil sa pagpapatupad ng batas, binuksan ngayong araw sa Beijing ang 2-araw na ministeryal na diyalogo hinggil sa usaping ito.
Kaugnay nito, isinalaysay ng may-kinalamang opisyal mula sa Ministri ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina, na ang Tsina at mga bansang ASEAN ay unang mga bansang nagtatag ng kooperasyon sa ilalim ng mekanismo ng pagpapatupad ng batas, at lumagda sa mga may-kinalamang kasunduan.
Dagdag niya, maganda ang 13 taong kooperasyon ng Tsina at ASEAN hinggil sa pagpapatupad ng batas, at mabunga ang kanilang kooperasyon sa mga aspekto ng pagtugis ng mga suspek na tumakas sa ibang bansa, paglaban sa mga krimeng may-kinalaman sa droga, cyber crime, teroristikong krimen, at iba pa. Ito aniya ay nagpapatingkad ng positibong papel para sa kapayapaan, kaunlaran, at kasaganaan ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai