Pagkaraang maaprobahan ng Konseho ng Estado ng Tsina, idaraos ang Ministerial Dialogue sa Kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa Pagpapatulad ng Batas at Seguridad at Pulong Ministeryal sa Kooperasyon sa Pagpapatulad ng Batas sa Seguridad sa mga Purok sa Paligid na Mekong River. Ito ay itataguyod ng Ministri ng Pampublikong Seguridad ng Tsina, mula ika-23 hanggang ika-24 ng buwang ito, dito sa Beijing.
Layon ng pagdaraos ng naturang pulong ay ang lalo pang pagpapalakas ng kooperasyon, pagpapabuti ng plataporma, pagpapalakas ng konstruksyon ng kakayahan ng pagpapatupad ng batas, para itatag, kasama ng ASEAN, ang mas mabuting sistema ng kooperasyon ng pagpapatupad ng batas at seguridad. Ito rin ay para magbigay ng mas malaking ambag para sa kaligtasan, katatagan, kasaganaan at pag-unlad ng rehiyong ito.
Salin:Sarah