Idinaos ngayong araw sa Jakarta, Indonesya, ang mataas na porum hinggil sa ASEAN Economic Community at kooperasyong Sino-ASEAN hinggil sa production capacity.
Sa kanyang talumpati sa porum, sinabi ni Xu Bu, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na ang pagtatatag ng ASEAN Economic Community ay bagong simula ng pag-unlad ng ASEAN. Ito aniya ay magdudulot ng malaking pagkakataon sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, lalung-lalo na sa kooperasyon sa production capacity.
Sinabi naman ni Lim Chze Cheen, Assistant Director sa Connectivity ng ASEAN Secretariat, na ang kooperasyong Sino-ASEAN sa production capacity ay maaaring magtampok sa konstruksyon ng imprastruktura. Dahil aniya, mababa ang lebel ng karamihan sa mga bansang ASEAN sa aspektong ito, at kinakailangan nila ang malaking pondo.
Salin: Liu Kai