Ayon sa ulat mula sa Myanmar Business Today, ipinahayag ng opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Myanmar na sa taong 2017, itatatag ng Myanmar ang rubber trade center para mapangalagaan ang interes ng mga rubber farmers.
Ayon sa nasabing opisyal, dahil hindi mataas ang kalidad ng mga rubber na inipoprodyus sa Myanmar, mababa ang presyo nito sa daigdig. Aniya, tutulungan ng itatatag na rubber trade center ang mga rubber farmers sa pagpapataas ng kalidad ng rubber para makuha nila ang mas pantay na interes.
Salin: Li Feng