Ayon sa Myanmar Investment Commision (MIC), mula noong Abril hanggang Setyembre ng taong ito, umabot sa 3 bilyong dolyares ang kabuuang bolyum ng Foreign Direct Investment (FDI) sa Myanmar at inaasahang aabot sa 6 bilyong dolyares ang kabuuang halaga nito para sa buong fiscal year.
Napag-alamang ang mga pondo ay pangunahing inilaan sa apsketo ng koryente, manufacturing at telekomunikasyon.
Ayon pa sa estadistika ng MIC, mula noong 1988 hanggang katapusan ng Abril ng taong 2015, may 915 kompanyang galing sa 38 bansa at rehiyon ang naglaan ng puhunan sa Myanmar at umabot sa 56.4 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng mga pamumuhunan. Kabilang dito, halos 35% ang napunta sa aspekto ng langis at natural gas.