Ayon sa pahayagang "Weekly Eleven" ng Myanmar, sinabi ng Departamento ng Kalaklan at Konsumo ng Ministri ng Komersyo ng Myanmar, na noong unang 6 na buwan ng kasalukuyang taong piskal (mula Abril hanggang ika-2 ng Oktubre ng taong 2015), lumampas na sa 3.2 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng border trade ng Myanmar sa mga kapitbansa.
Dalawa punto pitumpu't limang (2.75) bilyong dolyares ang halaga ng border trade ng Myanmar at Tsina. Kabilang dito, mahigit 1.9 bilyong dolyares ang pagluluwas ng Myanmar sa Tsina, at 843 milyong dolyares naman ang pag-aangkat nito. Lumampas na sa 1 bilyong dolyares ang border trade surplus ng dalawang panig.
Salin: Vera