Ayon sa isang ulat ng World Bank, sa Fiscal Year 2015 hanggang 2016 ng Myanmar, tinatayang babagal ang paglaki ng GDP ng Myanmar, mula 8.5% hanggang 6.5%.
Ayon sa ulat, ang pangunahing dahilan ng pagbagal ng paglaki ng kabuhayan ng bansa ay malubhang baha. Dahil pangunahing nakadepende sa tradisyonal na agrikultura ang kabuhayan ng Myanmar, kapansin-pansin ang impluwensiya ng mga kalamidad sa kabuhayan ng bansa. Bukod dito, nagdulot ng pagtaas ng budget deficit ang paglaki ng pagluluwas at pagtaas ng halaga ng dolyares.
Salin: Andrea