Seoul, kabisera ng Timog Korea--Idinaos dito kahapon ng hapon ang Ika-5 Summit na Pangnegosyo ng Tsina, Hapon at Timog Korea. Lumahok dito sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon at Pangulong Park Geun-hye ng Timog Korea.
Sinang-ayunan ng tatlong lider na aktibong pasusulungin ang kanilang talastasan sa pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan para mapasulong ang integrasyong pangkabuhayan ng Hilaga-silangang Asya.
Buong pagkakaisang ipinahayag din nila ang kahandaan na pasulungin ang pamumuhunan, koordinasyon sa mga patakarang pinansyal, upgrading ng mga tradisyonal na sektor na industriyal, pagbalanse sa pagitan ng kaunlaran at pangangalaga sa kapaligiran, at mga kooperatibong proyektong pang-inobasyon. Ipinahayag din nila ang matibay na suporta sa pagtutulungan sa pagitan ng maliliit at katamtamang laking bahay-kalakal (SMEs).
Tagapag-salin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio