Sa Seoul, Timog Korea—Kinatagpo dito kaninang umaga, local time, ni Punong Minitro Hwang Kyo-ahn ng Timog Korea si Li Keqiang, dumadalaw na Premyer ng Tsina.
Ipinahayag ni Li na sa panahon ng kanyang kasalukuyang pagdalaw, isinagawa nila ni Pangulong Park Geun-hye ng Timog Korea ang mapagkaibiga't malalimang pag-uusap, at nagkaroon ng maraming mahalagang komong palagay. Sinang-ayunan aniya ng kapuwa panig na isakatuparan ang pag-uugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran ng bansa, palakasin ang kooperasyon sa inobasyon at pagpapasimula ng negosyo, isagawa ang kooperasyong pandaigdig sa production capacity ng ika-3 panig, at samantalahin ang pagkakataon ng paglagda ng Tsina at Timog Korea sa Free Trade Agreement (FTA), para baguhin ang modelo ng kooperasyong pangkalakalan at mapataas ang lebel ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang mga kinauukulang departamento ng dalawang bansa, para mapasulong ang pagkakaroon ng masaganang bunga ng naturang mga komong palagay, at ibayo pang mapaunlad ang kasalukuyang mainam na relasyong Sino-Timog Koreano.
Ipinahayag naman ni Hwang na may malaking progreso ang kooperasyon sa Tsina sa iba't ibang larangan. Nakahanda aniya ang panig Timog Koreano na gawing pagkakataon ang kasalukuyang pagdalaw ni Premyer Li, at pabilishin ang pagpapatupad ng mga narating na komong palagay, upang mapasulong ang pag-unlad ng estratehiko't kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Vera