|
||||||||
|
||
Pagtatagpo, nanumbalik pagkaraan ng 3 taon
Ang katatapos na pulong ng nasabing tatlong bansa ay napanumbalik pagkaraan ng 3 taon. Ayon sa Pahayag, ito ay nagpapakita ng komprehensibong pagpapanumbalik ng pagtutulungan. Ipinagdiinan din ng Pahayag ang pangangailangan sa pagbabago sa mga kontradiksyon sa pagitan ng pag-asa sa isa't isa ng tatlong bansa sa larangang pangkabuhayan at tensyon sa kaligtasang pulitikal. Ipinasiya rin nilang ibayo pang pasulungin ang kanilang mahigit 50 mekanismo ng pagsasangguniang pampamahalaan na kinabibilangan ng mahigit 20 mekanismo sa antas na ministeryal. Kasabay nito, itatatag din nila ang bagong mekanismo ng pagsasangguniang pampamahalaan.
Pagtutulungang pangkabuhayan
Upang magkakasamang mapasulong ang pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan at makalikha ng mas magandang kapaligiran para sa kalakalan at pamumuhunan, inulit ng tatlong bansa ang pangangailangan sa pagpapabilis ng talastasan sa pagtatatag ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina, Hapon, at T. Korea.
Pagpapalitang di-pampamahalan
Ipinalalagay ng Pahayag na ang people-to-people exchanges sa pagitan ng tatlong bansa ay naglalatag ng matibay na pundasyon para sa pag-uunawaan. Ipinasiya nilang ibayo pang palawakin ang pagpapalitan at pagtutulungang di-pampamahalaan.
Pagpapasulong ng kapayapaan at kasaganaang panrehiyon at pandaigdig
Upang mapangalagaan ang kapayapaan at kasaganaang panrehiyon at pandaigdig, buong pagkakaisang tinututulan ng tatlong bansa ang pagdedebelop ng sinumang panig ng sandatang nuklear sa Korean Peninsula. Ipinangako rin nilang magkakasamang magsisikap para mapanumbalik ang talastasan ng anim na may-kinalamang bansa hinggil sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Bilateral na pag-uusap
Nauna rito, magkahiwalay na nagkaroon ng mga bilateral na pag-uusap sa pagitan nina Premyer Li at Punong Ministro Abe, at pag-uusap sa pagitan nina Premyer Li at Pangulong Park.
Sina Premyer Li Keqiang (sa kanan) ng Tsina, Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon (sa kaliwa) at Pangulong Park Geun-hye (sa gitna) ng Timog Korea habang lumalahok sa Ika-6 na Pulong ng mga Lider ng tatlong bansa. Nov. 1, 2015. (Xinhua/Liu Weibing)
Mga delegasyon mula sa Tsina (sa gitna), Timog Korea (sa kaliwa), at Hapon (sa kanan) sa kanilang Ika-6 na Pulong ng mga Lider. Nov. 1, 2015. (Xinhua/Huang Jingwen)
Tagapag-salin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |