Kasalukuyang bumibiyahe sa Indonesia si Jin Liqun, President-designate ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), at dumalo rin siya sa ika-8 talastasan tungkol sa pagtatatag ng AIIB. Inihandog kahapon ni Xie Feng, Embahador ng Tsina sa Indonesia, ang lunch forum para kay Jin. Dumalo rito sina Rizal Ramli, Ministro ng Koordinasyon ng Dagat at Yaman, at mga kilalang personahe mula sa sirkulong pulitikal at komersyal ng Indonesia.
Ipinahayag ni Jin na bilang pinakamalaking ekonomy ng Timog Silangang Asya at mahalagang miyembro ng G20 Group, ang Indonesia ay mahalagang bansang tagapagtatag ng AIIB. Gumaganap aniya ang Indonesia ng positibo at konstruktibong papel sa proseso ng pagtatatag ng AIIB. Nakahanda ang AIIB na magkaloob ng mas maraming pagkatig ng pondo sa konstruksyon ng imprastruktura ng Indonesia para mapasulong ang konektibidad sa rehiyon at pag-unlad ng kabuhayang Indones, dagdag pa niya.
Ipinahayag naman ng panig Indones na sa mula't mula pa'y lubos na pinahahalagahan ng Indonesia ang pakikilahok sa proseso ng pagtatatag ng AIIB. Nakahanda aniya ang Indonesia na ibayo pang palakasin ang pakikipagpalitan at pasulungin ang pakikipagtulungan sa AIIB.
Salin: Li Feng