|
||||||||
|
||
BEIJING—Limampu't pitong (57) kasaping tagapagtatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ang lumagda ngayong araw sa mga Artikulo ng Kasunduan (Articles of Agreement), upang isaoperasyon ang AIIB sa katapusan ng taong ito.
Sinabi ni Jin Liqun, Pangkalahatang Kalihim ng Multilateral na Pansamantalang Sekritaryat ng AIIB, na batay sa karanasan at aral ng mga umiiral na multilateral na organong pangkaunlaran, itatampok ng AIIB ang pagiging green o eco-friendly, episiyente at malinis.
Inilahad din ni Jin, na ang priyoridad ng AIIB ay pamumuhunan sa imprastruktura sa mga bansang Asyano sa iba't ibang larangan na gaya ng enerhiya, koryente, transportasyon, kanayunan, agrikultura at kalunsuran, para mapasulong ang sustenableng pag-unlad ng Asya.
Mababasa sa nilagdaang kasunduan ang hinggil sa layunin ng AIIB, kuwalipikasyon ng mga kasapi, sosyo, karapatan sa pagboto, operasyon, sistema ng pangangasiwa, mekanismo ng paggawa ng desisyon at iba pa.
Noong Oktubre, 2013, iminungkahi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na itatag ang AIIB. Sa kasalukuyan, umabot na sa 57 ang bilang ng mga kasaping tagapagtatag ng Bangko na kinabibilangan ng Tsina, 10 bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at iba pa. Ang Pilipinas ay isa sa unang batch ng mga bansa na sumapi sa AIIB.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |