Limampu't pitong (57) kasaping bansang tagapagtatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ang lumagda kahapon sa Beijing sa "AIIB Agreement." Kaugnay nito, ipinahayag ng ilang opisyal at iskolar ng mga bansang ASEAN na ang maalwang paglagada sa nasabing kasunduan ay isang may-katuturang pangyayari para sa Tsina at buong daigdig.
Ipinahayag ni Ibnu, ekonomista ng Bangko Sentral ng Indonesia, na lubos na inaasahan ng kanyang bansa ang pagtatatag at pagsasaoperasyon ng AIIB. Nananalig aniya siyang pasisiglahin ng AIIB ang konstruksyon ng imprastruktura sa Timog Silangang Asya, at pasusulungin ang pag-unlad ng kabuhayan sa rehiyong ito.
Sinabi ni Josephine Teo, Senior Minister ng Ministry of Finance at Ministry of Transport ng Singapore, na nagkakaloob ang AIIB ng pagkakataon para sa pakikilahok ng Singapore sa pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng Asya.
Salin: Li Feng