Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay Admiral Harry B. Harris, Komander ng Hukbong Amerikano sa Pasipiko, ipinahayag ni Fang Fenghui, Chief of General Staff ng PLA ang pagkabahala sa pagpasok kamakailan ng warship ng Amerika sa karagatang malapit sa Nansha Islands. Sinabi ni Fang na ang aksyon ng hukbong Amerikano ay nagbabanta, hindi lamang sa soberanya at kaligtasan ng Tsina, kundi rin sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Aniya, walang duda ang soberanya ng Tsina sa karagatan at mga isla sa South China Sea. Hinding hindi mababago ang determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa. Binigyang diin din niyang ang pagtatatag ng Tsina ng pasilidad sa mga isla sa Nansha ay hindi nakatuon sa ikatlong panig, at hindi ito makakaapekto sa malayang paglalayag sa nasabing karagatan.
Ipinahayag naman ni Harris na walang papanigan ang Amerika sa isyu ng South China Sea, at hindi magbabago ito. Sinabi ni Harris na mas malaki ang komong palagay sa pagitan ng Tsina at Ameirka, kaysa sa alitan. Umaasa aniya siyang mapapasulong ng kanyang pagdalaw sa Tsina ang pagtutulungan ng hukbong Sino-Amerikano.