|
||||||||
|
||
Abandonadong nayon ng pangingisda sa Zhoushan, Lalawigang Zhejiang: Masukal na ang lugar pero masisilayan ang naiibang ganda ng inang kalikasan.
Kataka-taka ang libu-libong pulang mga bahay na yari sa kahoy sa Larung Gar Valley, Lalawigang Sichuan. Dito makikita ang Larung Gar Buddhist Academy, pinakamalaki sa buong mundo.
Pinakasimpleng ganda: Ganda ng tubig sa sundried kelp farm sa Lalawigang Fujian.
Ang paliku-likong lansangan sa Tianmen Mountain National Park ng Zhangjiajie ay tinatawag na "serpentine road." Tumagal ng 8 taon ang konstruksyon ng lansangang ito.
Ang Jiuzhaigou National Park ay inilakip na sa listahan ng World Heritage Site ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization o UNESCO. Ang luntiang lawa, water falls at nakararaming puno ay nakakahikayat ng mahigit 2 milyong turista bawat taon.
Ang tanawin ng Maijishan Grottoes sa Tianshui, Lalawigang Gansu ay parang tagpo sa pelikula. Nagtatampok ito sa mga napakagandang miyural at istatuwa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |