|
||||||||
|
||
Isinapubliko kamakailan ng kilalang magasing panturismo na "Lonely Planet" ang 10 destinasyong karapat-dapat na bisitahin sa susunod na taon. Narito ang listahan:
Ika-10, Fiji Islands
Pagkaraan ng matagal na kaguluhang pampulitika, matatag na sa kabuuan ang kalagayan ng Fiji Islands. Sa malapit na hinaharap, masisiyahan ang mga manlalakbay sa Fiji sa binagong Nadi International Airport.
Ika-9, Greenland
Napakababa ng population density ng Greenland, pero nakakatuwa ang buhay rito. Sa taong 2016, itataguyod ng Greenland ang pinakamalaking Arctic Winter Games sa kasaysayan. Ito ang pinakaangkop na panahon para maglakbay sa Greenland.
Ika-8, Uruguay
Ang Uruguay ay tinatawag na "Switzerland sa South America." Sa kasalukuyan, kumpleto ang imprastruktura sa iba't ibang aspekto sa Montevideo, kabisera ng Uruguay.
Ika-7, Poland
Habang hinaharap ng mga bansang Europeo ang malaking resesyon ng kabuhayan, tumataas naman ang bilang ng mga manlalakbay sa Poland. Sa International Youth Day sa taong 2016, dadalaw sa Krakow, lunsod ng Poland, si Pope Francis.
Ika-6, Australia
Para sa mga di-mayamang manlalakbay, ang mataas na exchange rate ng Australian Dollar ay nananatiling pinakamalaking hadlang sa kanilang plano ng paglalakbay sa nasabing bansa. Nitong nakalipas na ilang taon, kasabay ng pagbaba ng presyo ng langis, bumaba rin ang halaga ng Australian Dollar, kaya nagiging mabuting choice ang pagpunta sa Australia sa taong 2016.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |