Sa Jinan, Lalawigang Shandong, Tsina—Nakadispley ngayon sa Baotu Spring Park ng Jinan ang mahigit 500 uri ng namumulaklak na chrysanthemum.
Mahaba ang kasaysayan ng tradisyon ng pagtatanim ng chrysanthemum sa Jinan, at ang Baotu Spring ay isa sa mga pinakamagandang pook para sa pag-e-enjoy ng chrysanthemum.
Sapul noong katapusan ng dekada 70, sinimulang idaos ng Baotu Spring Park ang eksibisyon ng chrysanthemum at mga kinauukulang aktibidad na kultural. Bukas ang ganitong eksibisyon tuwing Oktubre, at tumatagal ito ng isang buwan.
Salin: Vera