|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat, sa mga world cultural heritage site na kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), 48 sa kanila ang unti-unting naglalaho.
Jordan: Petra-Dahil apektado ng hangin at ulan, dagdagan pa ang paghipo ng mga turista, baka mawala ito sa malapit ng hinaharap.
Iran: Bam-Noong 2003, halos gumuho ang Bam, bagama't puwedeng muling itayo ito sa hinaharap, hindi kayang panumbalikin ang sinaunang kabantugan nito.
Italya: Royal Palace of Casedrta-Baka ito ang pinakamalaking palasyo sa buong daigdig, pero, noong isang taon, nawasak ang bahagi ng kisame nito at kailangan ang pangkagipitang pagkukumpuni.
Pransya: Vauban's Fortifications-Nitong mahigit 410 taon, ang Vauban's Fortifications ay isa sa mga pinakamatibay na proyektong pandepensa sa buong daigdig, pero, hindi nito kayang ipagtanggol ang sarili laban sa pagsalakay ng panahon.
Tsina: Great Wall-Gumuho na ang 30% na pader ng Great Wall, kung hindi mapapangalagaan, mawawala ang Tsina ng Great Wall.
Australya: Wedding Cake Rock-Ngayon, puwedeng magpose at kumuha ng litrato sa malaking bato, pero, lulubog ito sa dagat sa malapit na hinaharap.
E.U.: Everglades National Park-Halos nawala ang Everglades National Park sa Hurricane Andrew noong taong 1992, ngayon, dahil lumiliit ang tubig, nabawasan naman ang mga hayop na pantubig.
Peru: Chan Chan-Hindi puwedeng lumaban ito sa unti-unting pagka-agnas dala ng puwersa ng kalikasan.
Chile: General Cemetery of Santiago-Bilang pinal na resting place ng politician, pangulo, artista, manlalaro at iba pang 2 milyong celebrity, halos nasira ito matapos ang isang malakas na lindol na naganap sa taong 2010.
Ehipto: Abu Mena-Ang holy city ng sinaunang Christians ay baka mawawala ito dahil sa pag-unlad ng industriyang agrikultural nito, dahil tumaas ang water level, naging maluwag ang base nito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |