Sa Kuala Lumpur, Malaysia-Nakipag-usap dito kahapon si Chang Wanquan, Ministrong Pandepensa ng Tsina sa kanyang Malay counterpart na si Hishammuddin Tun Hussein. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa bilateral na relasyon, kaligtasang panrehiyon, at mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan.
Ipinahayag ni Chang na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling mainam ang pagtutulungan ng dalawang bansa at hukbo. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalakas ang estratehikong pagtitiwalaan at pragmatikong pagtutulungan para pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Ipinahayag naman ni Hishammuddin Tun Hussein na sa kasalukuyang masalimuot na kalagayang panseguridad ng rehiyon, kailangang mapahigpit ng Tsina at Malaysia ang pagpapalitan sa mataas na antas, at pagtutulungan sa industriyang pandepensa, paglaban sa terorismo, at cyber security, para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.