|
||||||||
|
||
Sa Quanzhou, Lalawigang Fujian ng Tsina—Idinaraos dito ang ika-4 na China Quanzhou International Puppet Festival. Ang kapistahang ito ay isa sa serye ng mga aktibidad ng ika-14 na Asia Arts Festival.
Pagtatanghal ng Shadow Puppetry mula sa isang troupe mula sa Tangshan, Lalawigang Hebei, Tsina
Shadow puppetry na pinamagatang "Tatlong Daga" mula sa Hunan Puppet and Shadow Art Protection and Inheritance Center
Marionettes show ng Quanzhou Puppet Troupe
Palabas ng Sichuan Puppet Theatre
Palabas ng Instituto ng Pananaliksik sa Puppet ng Yangzhou, Tsina
Kalahok dito ang 26 na puppet troupe mula sa loob at labas ng Tsina, na kinabibilangan ng 9 na puppet troupe mula sa Alemanya, Netherlands, Argentina, New Zealand, Belgium, Serbiya, Brazil, Australia, at Indonesia, at 2 puppet troupe mula sa Taiwan.
Mga miyembro ng isang puppet troupe mula sa Taiwan, habang nagpapakitang-gilas
Wayang Kulit ng Indonesia
Marionettes show ng puppet troupe mula sa Alemanya
Troupe mula sa Australia sa kanilang performance
Binuksan kamakalawa ang Ika-14 na Asia Arts Festival. Sa loob ng darating na isang linggo, kasama ng grupong pansining ng Tsina, ipapakita ng mga grupong pansining ng 11 bansang Asyano na kinabibilangan ng Timog Korea, Hapon, Mongolia, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Thailand, Biyetnam, Cambodia, Pakistan, at Bangladesh, ang makukulay at iba't-ibang uri ng kulturang pandaigdig. Nagperform sa seremonya ng pagbubukas ng naturang Arts Festival ang Bayanihan Dance Company ng Pilipinas.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |