Kahapon ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng United Nations (UN), pinakamalaking mekanismo ng pagpigil sa digmaan at pangangalaga sa kapayapaan sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Sa okasyong ito, sinabi ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na permanente ang layunin ng Karta ng UN, at dapat itong maging pangmatagalang patnubay para sa komunidad ng daigdig.
Ipinagdiinan ni Ban na sa kasalukuyang daigdig, walang bansa o organisasyon ang may kakahayang sarilinang malutas ang krisis at hamon, kaya, ang UN ay nagsisilbi pa ring patnubay ng sangkatauhan. Nanawagan si Ban sa komunidad ng daigdig na samantalahin ang pagkakataon ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng UN para ulitin ang pangako ng pagsisikap para sa magandang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Jade