Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kahapon kay Aung San Su Kyi, Pangulo ng National League for Democracy (NLD) ng Myanmar, binigyang-diin ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng United Nations (UN), na dapat isagawa ng iba't-ibang panig ng Myanmar ang kooperasyon at diyalogo.
Sinabi nang araw ring iyon ng tanggapan ng tagapagsalita ng Pangkalahatang kalihim ng UN na sa nasabing pag-uusap, nagpahayag si Ban ng pagbati sa pagwawagi ng NLD na pinamumunuan ni Aung San Su Kyi sa pambansang halalan na idinaos kamakailan. Dagdag pa ni Ban, patuloy na kakatigan ng UN ang pagsisikap ng Myanmar sa demokratikong reporma.
Salin: Li Feng