Ipinatalastas ngayong araw ng Union Election Commission (EUC) ng Myanmar, na nakuha ng National League for Democracy (NLD), sa pamumuno ni Aung San Su Kyi, ang mayorya sa pambansang asembleya ng bansa. Dahil dito, magkakaroon ito ng kapangyarihan, upang buuin ang bagong pamahalaan ng bansa.
Ayon pa rin sa di-kumpletong resulta na ipinalabas ng UEC, nakuha rin ng NLD ang mayorya sa mga parliamento sa antas ng lalawigan. Kaya, mamumuno rin ito sa mga pamahalaan ng mga lalawigan.
Samantala, pagkaraang ipalabas ang naturang resulta, ipinahayag ng pamahalaan, tropa, at naghaharing partido ng Myanmar ang pagtanggap sa resulta ng halalan. Ipinangako nila ang paglilipat ng kapangyarihan, batay sa nakatakdang iskedyul, para igarantiya ang maalwang transisyon.
Salin: Liu Kai