Isinapubliko kahapon ng ekstrimistang grupo ng Islamic State (IS) ang pagpatay sa mga hostage na kinabibilangan ng isang Tsino.
Kaugnay nito, bumigkas ng talumpati ngayong araw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ipinahayag ng Pangulong Tsino na mahigpit na kinondena ng Tsina ang pagpatay ng "Islamic State (IS)" sa mamamayang Tsino. Nagpahayag din siya ng lubos na pakikiramay sa kamag-anakan ng nasawi. Ang terorismo ay komong kaaway ng buong sangkatauhan, at buong tatag na tinututulan ng Tsina ang lahat ng porma ng terorismo, at matatag na binibigyang-dagok ang marahas na aksyong teroristiko.
Salin: Li Feng