Ipinahayag kahapon ni Andrey Kartapolov, Pangalawang Puno ng General Staff of Russian Armed Forces, na sapul nang simulan ang air assault noong ika-30 ng Setyembre sa Islamic State (IS), ekstrimista sa loob ng Syria, nagsagawa na ang hukbong panghimpapawid ng Rusya ng mahigit 60 misyon at sinira na ang mahigit 50 target ng IS. Kapansin-pansin aniyang pinahina nila ang IS. Aniya pa, ibayo pang palalakasin ng Rusya ang pagbibigay-dagok dito.
Sinabi rin ni Andrey Kartapolov na ipinahatid nila ang mga may kinalamang situwasyon sa Amerika noong araw nang simulan nila ang air assault. Aniya, inimungkahi na ng Rusya sa Amerika na iurong ang mga dalubhasa at tagapayong Amerikano, at itigil ang pagpapalipad ng mga eroplano sa rehiyon kung saan nagsagawa ng airstrike ng Rusya.
Salin: Andrea