Dadalo si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Ika-18 Pulong ng mga Lider ng Tsina at ASEAN, Ika-18 Pulong ng mga Lider ng ASEAN, at Tsina, Hapon, at Timog Korea, at Ika-10 Summit ng Silangang Asya. Bibiyahe rin siya sa Malaysia. Mataas ang ekspektasyon ng mga organisasyon ng mga etnikong Tsino sa Malaysia sa naturang kauna-unahang pagdalaw ng Premyer Tsino sa bansang ito. Ipinalalagay nilang tiyak na patatatagin ng naturang biyahe ni Li ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, at komprehensibong pasusulungin ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Datuk Lee Chee Leong, Pangalawang Ministro ng Kalakalang Pandaigdig at Industriya ng Malaysia, na sa kasalukuyan, mayroong mainam na relasyon ang Malaysia at Tsina sa mga aspektong gaya ng pulitika, kabuhayan, at kultura. Sa aspekto ng kabuhayan at kalakalan, ang Tsina aniya ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng Malaysia, at ang Malaysia naman ay nagsisilbing pinakamalaking trade partner ng Tsina sa mga bansang ASEAN. Ang nasabing biyahe ng Premyer Tsino ay tiya na makakapagpasulong sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa, dagdag pa niya.
Tinukoy din ni Bong Hon Liong, Puno ng Chamber of Commerce ng Malaysia at Tsina, na ang gagawing pagdalaw ni Li sa Malaysia ay ibayo pang makakapagpalalim sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Ito aniya ay makakapagpasulong sa pamumuhunan ng mas maraming bahay-kalakal ng Tsina sa Malaysia.
Sinabi ni Ei Sun Oh, dating Kalihim ng Punong Ministro ng Malaysia, na sa kalagayang di-mainam ang kabuhayang pandaigdig, napakahalaga ng estratehikong katuturan ng pagdalaw ng Premyer Tsino sa Malaysia.
Salin: Li Feng