Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na tulad ng dati, igigiit ng Tsina ang mapagkaibigang patakaran sa Myanmar. Nakahanda aniya ang panig Tsino na palakasin ang pakikipagpalitan sa iba't-ibang mapagkaibigang partido at paksyon ng naturang bansa na kinabibilangan ng National League for Democracy (NLD).
Ani Hong, ang Tsina at Myanmar ay mga mapagkaibigang kapitbansa ng isa't isa. Ang pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan, ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Salin: Li Feng