Inilathala ngayong Miyerkules ng official media ng Myanmar ang kautusang pampanguluhan na nilagdaan ni Pangulong Thein Sein, kung saan nagpatalastas ng pag-aalis ng pamahalaan ng martial law sa Rehiyong Awtonomo ng Kokang sa Hilagang Shan State.
Nagkabisa simula ika-17 ng Nobyembre ang naturang kautusang pampanguluhan. Ayon sa kautusan, dahil nanumbalik na sa normal na pangangasiwa at kaayusang pambatas ang rehiyon ng Kokang, at naging mapayapa ang mga nayon, kinansela ang martial law.
Salin: Vera