Ipinahayag kahapon sa Nay Pyi Taw ni Shwe Mann, Ispeaker ng Parliamento ng Myanmar na optimistiko siya sa relasyong Sino-Burmese sa hinaharap.
Sinabi ni Shwe Mann na palaging iginigiit ng Myanmar ang mapagkaibigang pakikipamuhayan sa lahat bansa ng daigdig na kinabibilangan ng Tsina. Samantala, iginagalang aniya ng Tsina ang soberanya, kabuuan ng teritoryo at mapayapang pag-unlad ng Myanmar. Hindi ito aniya nakikialam sa mga suliraning panloob ng Myanmar. Kaya, nagiging maganda at magiging mas maganda ang relasyon ng Tsina at Myanmar sa kasalukuyan at hinaharap, dagdag pa niya.