Kuala Lumpur, Malaysia-Ipinahayag dito kahapon ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na panatilihin ang pagkakaibigan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa mga bansang ASEAN, Timog Korea at Hapon.
Winika ito ni Li sa Ika-18 Pulong ng mga Lider ng ASEAN, Tsina, Timog Korea at Hapon (10+3). Pinanguluhan ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia ang pulong na ito.
Bukod dito, iniharap din ni Li ang mga mungkahi hinggil sa kooperasyon ng 10+3, na gaya ng pagpapabilis ng integrasyon ng kabuhayan ng Silangang Asya, pangangalaga sa katatagan ng pinansiyang panrehiyon, pagpapataas ng lebel ng konektibidad at komunikasyon, pagsasagawa ng kooperasyon sa kakayahan ng pagpoprodyus, pagpapalawak ng pagpapalitan ng kultura, at pagsasagawa ng kooperasyon sa agrikultura at pagpawi ng mga kahirapan.
Nagbigay ang mga kalahok na lider ng positibong pagtasa sa mga ambag ng Tsina sa 10+3. Ipinahayag pa nila na dapat ibayo pang isagawa ng iba't ibang panig ang mga aktuwal na hakbangin para pasulungin ang integrasyon ng Silangang Asya, palalimin ang mga kooperasyon sa kabuhayan, kalakalan, pinansiya, at pamumuhunan, at isakatuparan ang kapayapaan at kasaganaan ng rehiyong ito.