Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Li Keqiang, iniharap ang mga mungkahi hinggil sa South China Sea

(GMT+08:00) 2015-11-22 14:40:17       CRI

Sa East Asia Summit na idinaos kaninang umaga sa Kuala Lumpur, Malaysia, iniharap ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang limang mungkahi hinggil sa isyu ng South China Sea (SCS), para magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.

Ang naturang mga mungkahi ay kinabibilangan ng mga sumusunod na punto:

Una, dapat sundin ng iba't ibang mga bansa ang UN Charter, pahalagahan ang kaayusang pandaigdig pagkatapos ng World War II, at magkakasamang protekahan ang katatagan at kapayapaang pandaigdig at panrehiyon na kinabibilangan ng katatagan ng SCS.

Ikalawa, batay sa prinsipyo ng pandaigdigang batas na kinabibilangan ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), dapat mapayapang lutasin ng mga direktang kasangkot na bansa ang mga hidwaan sa teritoryo at hurisdiksyon sa pamamagitan ng mapagkaibigang talastasan at pagsasanggunian.

Ikatlo, dapat mabisa at komprehensibong isakatuparan ng Tsina at mga bansang ASEAN ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), pabilisin ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct on the South China Sea (COC), marating ang COC sa pundasyon ng nagkakaisang pagsang-ayon sa lalong madaling panahon, at walang humpay na pabutihin ang mekanismo ng patitiwalaan at kooperasyon sa rehiyong ito.

Ikaapat, dapat igalang at katigan ng mga bansa sa labas ng rehiyong ito ang pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng South China Sea, patingkarin ang positibo at konstruktibong papel, at di-isagawa ang mga aksyon na magpapaigting ng tensyon sa rehyong ito.

Ikalima, dapat mangako ang iba't ibang bansa na isagawa at pangalagaan ang kalayaan ng paglalayag at paglipad sa South China Sea batay sa batas na pandaigdig.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>