Kuala Lumpur, Malaysia--Nilagdaan kahapon ng mga ministro ng komersyo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang Protocol hinggil sa Upgrading ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA).
Batay sa Protocol, ipinangako ng Tsina at mga bansang ASEAN na ibayo pang pagbubukas sa kalakalan sa mga serbisyo.
Kaugnay nito, ipinangako ng Tsina na pabutihin ang serbisyo sa konstruksyon, securities, ahensiya ng paglalakbay at iba pa. Samantala, sumang-ayon ang mga bansang ASEAN na ibayo pang magbubukas sa walong pangunahing larangan na gaya ng komersyo, telekomunikasyon, konstruksyon, edukasyon, kapaligiran, pinansya, turismo at transportasyon.
Pormal na itinatag ang CAFTA noong 2010. Nitong ilang taong nakalipas sa proseso ng pagtatatag ng CAFTA, mabilis na pag-unlad ang kalakalan sa mga paninda at serbisyo ng Tsina at ASEAN. Noong 2014, lumampas sa 62.6 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN. Mas mataas ito ng 2.5 beses kumpara noong 2007 kung kailan umabot sa 17.9 bilyong dolyares ang bilateral na kalakalan.
Tagapagsalin: Jade