|
||||||||
|
||
Ang mga lider ng 10 bansang ASEAN at Tsina ang tumayong-saksi sa seremonya ng paglalagda.
Hinggil sa Protocol
Bilang karugtong na dokumento sa China-ASEAN Free Trade Agreement, ang Protocol ay sumasaklaw sa kalakalan sa mga paninda (trade in goods), kalakalan sa mga serbisyo (trade in services), pamumuhunan, kooperasyong pang-ekonomiya at panteknolohiya.
Ayon sa mga tagapag-analisa, ang paglalagda ng Protocol ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng target na aabot sa isang triliyon dolyares ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan sa 2020, at magpapasulong ng talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at konstruksyon ng Free Trade Area of the Asia-Pacific (FTAAP).
Papel ng CAFTA para sa ASEAN at Tsina
Ang Tsina ay pinakamalaking partner ng ASEAN sa kalakalan, at ang ASEAN ay ika-3 pinakamalaking partner na pangkalakalan ng Tsina. Ang CAFTA ay una at pinakamalaking malayang sonang pangkalakalan ng Tsina sa panig dayuhan. Sapul nang itatag ito noong 2010, ang CAFTA ay malakas na nagpapasulong ng malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng ASEAN at Tsina.
Upgrading ng CAFTA
Upang ibayo pang mapasulong ang trade at investment liberalization at facilitation ng rehiyon, sa Ika-16 na ASEAN-China (10+1) Summit na idinaos noong Oktubre ng 2013, iminungkahi ni Li Keqiang, Premiyer ng Tsina na ang pagsisimula ng talastasan hinggil sa upgrading ng CAFTA. Noong Agosto ng taong 2014 sa Pulong ng mga Ministro ng Kabuhayan at Kalakalan ng ASEAN at Tsina, ipinatalastas ang pormal na pagsisimula ng nasabing talastasan.
Salin: Lele
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |