Pagkaraang dumalo sa ika-12 China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS), ipinahayag kamakailan ni Ong Ka Chuan, Ikalawang Ministro ng Kalakalang Pandaigdig at Industrya ng Malaysia, na ang kasunduan ng "updated version" ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA) ay may pag-asang malalagdaan sa darating na Nobyembre.
Sinabi ni Ong Ka Chuan na sinang-ayunan sa kabuuan ng mga kasaping bansang ASEAN ang nasabing kasunduan. Aniya, ang layon ng kasunduang ito ay mas malawak na mapasulong ang pag-uugnayang pangkalakalan ng ASEAN at Tsina sa iba't-ibang larangan. Bilang kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN, umaasa ang Malaysia na komprehensibong sasamantalahin ng iba't-ibang bansang ASEAN ang pagkakataong ito, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng