Sa Kuala Lumpur, Malaysia—Lunes ng umaga, local time, nakipagtagpo dito si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga kinatawan ng sirkulong ekonomiko, industriyal at komersiyal ng Malaysia.
Sinabi ni Li na mahigpit ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Malaysia, mainam ang relasyong pulitikal, madalas ang pagpapalitang pangkultura, at nangunguna sa kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN ang kanilang pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan, at pamumuhunan sa isa't isa. Magkakasamang nilagdaan nitong linggo ng Tsina at 10 bansang ASEAN ang outcome document hinggil sa pagbibigay-wakas sa talastasan ng pag-a-upgrade ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA). Ito aniya ay palatandaang pumasok sa bagong antas ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, at mahalagang mahalaga ang katuturan nito. Umaasa siyang sasamantalahin ng sirkulong industriyal at komersiyal ng Malaysia ang pagkakataon, para gumawa ng bagong ambag sa pagpapasulong ng relasyong pampulitika, pangkabuhayan at pangkultura ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ng mga kinatawang Malay na nakahanda ang sirkulong industriyal at komersiyal ng Malaysia na kumatig at makisangkot sa pagpapalitan ng Belt and Road Initiative at estratehiyang pangkaunlaran ng Tsina at Malaysia.
Salin: Vera