Malaysia — Kaninang umaga (local time), nagtalumpati si Li Keqiang, dumadalaw na Premyer ng Tsina, sa Porum na Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Malaysia. Aniya, kilalang kilala ang Nyonya dishes ng Malaysia, at ito ay parang simbolo ng malalimang pagkakahalu-halo ng kultura ng Tsina at Malaysia. Dapat magkakapit-bisig na magpunyagi aniya ang mga mangangalakal ng dalawang bansa, para mapasulong ang kanilang pragmatikong kooperasyon.
Tinukoy ni Li na matibay ang pundasyon ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at nagsilbi itong pinakapaborableng kondisyon ng pagpapaunlad ng komprehensibong kooperasyon ng Tsina at Malaysia.
Dagdag pa ni Li, nakahanda ang Tsina na iugnay ang "Belt and Road Initiative" na iniharap ng Tsina at ASEAN Connectivity Plan, at palakasin ang kooperasyon sa Malaysia sa proseso ng konstruksyon ng imprastruktura at industriyalisasyon. Aniya, pumasok na sa mid-term ng industriyalisasyon ang Tsina, at may sulong na production capacity ito sa ilang aspektong gaya ng bakal at asero, materiyal na arkitektural, at iba pa. Kung mamumuhunan ito sa Malaysia, mapapababa ang gastos ng konstruksyon ng imprastruktura ng Malaysia, lalong lalo na, gastos sa raw materials. Sa kabilang dako naman, may sulong na pasilidad at teknik ang Malaysia sa ilang larangan. Winewelkam aniya ng Tsina ang pamumuhunan ng mga mangangalakal na Malay at pagtatatag ng pagawan sa Tsina. Ito ay makakapagpasulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag ng Premyer Tsino na ang kooperasyong Sino-Malay ay hindi lamang may pagtitiwalaang pampulitika, kundi may maraming pragmatikong bungang pangkabuhayan din. Mas malawak ang espasyo ng pagpapalitang pangkultura ng kapuwa panig. Ayon kay Li, itatayo ng Xiamen University ang sangay sa Malaysia, at lilikhain ng pamahalaang Tsino ang pasubali para sa paglalakbay ng mga Tsino sa Malaysia.
Salin: Vera