Sa okasyon ng Thanksgiving Day, ipinahayag kahapon ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos na patuloy na isasagawa ng Pamahalaang Amerikano ang lahat ng kinakailangang hakbangin para mapigilan ang teroristikong pag-atake at pagpasok ng mga dayuhang terorista sa bansa. Ito aniya ay upang mapawi ang pagkabalisa ng mga mamamayan sa posibleng teroristikong pag-atake.
Sinabi ni Obama na kung may impormasyon tungkol sa anumang teroristikong pag-atake, ipapaalam ng Pamahalaang Amerikano sa mga mamamayan ang tungkol dito. Aniya pa, sa okasyon ng nasabing kapistahan, pananatilihin ng hukbo, organo ng impormasyon, at departamentong panseguridad ng bansa, ang matamang pagmamatyag, at mahigpit nilang susuperbisahin ang iba't-ibang uri ng posibleng banta.
Salin: Li Feng